Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 6,216 bagong COVID-19 cases sa bansa nitong Sabado ng hapon.

Batay sa case bulletin no. 497 na inilabas ng DOH, nabatid na dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umaabot na ngayon ang total active cases ng sakit sa 54,401, kasama dito ang 93.4% na mild cases, 2.3% na severe cases, 1.62% na moderate cases, 1.4% na kritikal at 1.2% na asymptomatic.

Ang naturang total active cases ay 3.5% ng total COVID-19 cases sa bansa na nasa 1,543,281 na hanggang 4:00 p.m. nitong Sabado.

Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 6,778 mga pasyenteng bagong gumaling sa sakit.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil dito, tumaas pa ang total COVID-19 recoveries sa 1,461,749 o 94.7% ng total cases.

Mayroon din namang 241 pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa sakit kaya’t umakyat na ngayon sa 27,131 ang total COVID-19 deaths sa bansa o 1.76% ng total cases.

Mary Ann Santiago