Kinagiliwan ng netizens ang Facebook post ni Jeraldene Maming mula sa Passi, Iloilo, na gumawa ng paraan para makuhanan ng larawan ang pinsan nitong si Adrian Franco, 11 taong gulang.

Ang larawan ay gagamitin bilang graduation picture ni Adrian, na nakapagtapos ng elementarya sa Passi Central School.

Mula sa public post ni J-raldene Key-dhen Maming

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Kuwento ni Jeraldene, "Kailangan niya po mag-pic para makapagpasa ng picture with white background sa teacher niya."

Ipinakita ni Jeraldene sa kaniyang post ang behind-the-scenes sa pagkuha ng graduation picture ni Adrian.

Aniya, kinakailangan pa nila manghiram ng kurtina sa kanilang kapitbahay upang makuhaan ng larawan si Adrian gamit ang puting background.

Mula sa public post ni J-raldene Key-dhen Maming

"(At dahil nasa labas kami), kinakailangan lang hawakan ng tito namin at ng kapatid niya 'yong kurtina para hindi liparin ng hangin, malakas po kasi yung hangin," dagdag pa ni Jeraldene.

Hindi inakala ni Jeraldine na maraming makakapansin sa kaniyang post.

"Marami rin nag-share at react... Tawang-tawa nga kami bakit ganon 'yon karami," ani Jeraldene.

Umabot na sa 40,000 Facebook reaction ang post ni Jeraldene.

Samantala, magpapatuloy ng pag-aaral si Adrian na grade 7 na sa darating na pasukan sa Setyembre ng elementarya sa Passi Central School.

Angelo Sanchez