Siksik sa maiinit na eksena ang teaser trailer ng bagong pelikula nina Kim Molina at Jerald Napoles na "Ikaw At Ako At Ang Ending," at underwear lamang ang kasuotan ng real life couple.

Panandaliang kinalimutan ng dalawa ang pagiging komedyante dahil sa walang patid na habulan at barilan na animo'y ibinatay sa Thelma & Louise o Bonnie and Clyde.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Pawang strangers ang tauhan sa kuwento ng "Ikaw At Ako At Ang Ending" na tinatakasan ang kahirapan. Dito nagsimula ang kanilang partnership na humantong sa malagim na wakas.

Para kay direk Irene Villamor magaan katrabaho ang dalawa at walang angal na gawin ang gusto ng direktor. Sa madaling salita hindi sila sakit sa ulo sa sinuman.

Bukod sa teaser trailer ay naaliw ang marami sa naughty music video ng pelikula na inawit mismo ni Kim. Sa August 13 ang simula ng streaming sa Vivamax ng pelikula hindi pa man ay pinag-uusapan na.