Kinumpirma nga ba ni Willie Revillame na tatakbo siya sa Senado sa 2022?

Sinabi ni Willie, sa isang episode ng “Wowowin-Tutok To Win” noong July 13, magkakaroon siya ng major announcement sa unang linggo ng Agosto.

“Ito po desisyon sa buhay para sa akin ito at para sa ating lahat. Sana po ay maintindihan niyo,” aniya.

Dagdag pa ni Willie: “Huwag kayong mag-alala hindi ako kenkoy sa Senado. Hindi kami magkekenkoyan. Tutulong, gagawa ng paraan, gagawa ng batas sa mga taong nagugutom. Hindi po magpapatawa doon.”

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Hiniling ni Willie sa publiko na huwag insultuhin ang mga artistang sasali sa politika.

“Huwag niyo naman kami nilalait dahil kami malinis ang puso. Kami ang pag-iisip, walang iniisip. Nasa sa tao ang pag-gawa ng kawalang hiyaan. Nasa sa iyo kung magnanakaw. Wala po sa isip ko yan,”aniya.

“Ito ang programang nagbibigay. Dito, lugi ka pa, sa totoo lang. Pero dahil masaya ako, nakikita ko na lahat ng kababayan nakangiti at masaya… Don’t judge.”

Binigyang-diin niya na hindi siya naaapektuhan sa pambabash sa kanya bilang hindi siya gumagamit ng social media.

Matatandaang ipahiwatig ni Willie na ipapasa niya ang kanyang tungkulin biang TV host ng “Wowowin-Tutok To Win” matapos pag-usapan ang tungkol sa “malaking desisyon” na gagawin niya “sa tamang oras.”

Stephanie Bernardino