Pumanaw na ang kauna-unahang animal frontliner sa Maynila na si Chichi at inilibing ito sa Manila North Cemetery.
Inanunsyo ng Manila Public Information Office (PIO) ang pagpanaw ni Chichi sa kanilang Facebook page nitong Hulyo 14.
Nagsilbi bilang isang loyal, aktibo at malambing na Barangay Dog frontliner sa Barangay 379, Santa Cruz, Manila si Chichi. Ito ay aso nina Kagawad Jeanne Ramos at Jake Ryan Ramos.
Ang Barangay Dog Frontliner ID ay ibinigay kay Chichi noong April 2022 dahil siya ay laging sumasama sa pagpapatrol ng barangay noong nasa Enhanced Community Quarantine pa ang Maynila.
Kinupkop nina Jean at Jake si Chichi noong 2018 nang makita nila itong pagala gala sa lansangan.
Maraming salamat sa serbisyo, Chichi!
Noreen Jazul