Mariing itinanggi ni dating “It’s Showtime” at GirlTrends member na si Maika Rivera ang mga naglalabasang alegasyon na siya ang tinutukoy na “third party” sa hiwalayan ng mag-asawang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

“To be honest, kung bakit ako po yung natuturong third party, hindi ko po talaga alam kung saan po nanggagaling yun,” pahayag ni Maika sa recent vlog ni Ogie Diaz.

Tsika at Intriga

Nadia Montenegro sa paglaya ni Ricardo Cepeda: 'Finally, an innocent man is free!'

“Ako po yung natuturo pero I can honestly say with my whole heart na hindi po ako yung third party.”

Iginiit din nito, na may malaking respeto siya para kay Kylie, na nakilala niya matapos niyang makatrabaho si Aljur, ilan taon na ang nakararaan sa seryeng “Ipaglaban Mo!” at “Sandugo.”

Matatandaang una nang nasangkot sa isyu si dating beauty queen Cindy Miranda na agad ding itinanggi ang akusasyon na siya ang dahilan ng hiwalayan nina Kylie at Aljur.

Magkasama sina Cindy at Aljur sa pelikulang “Nerisa.”

https://youtu.be/7znESiUfAxE