NASIRIYAH, Iraq – Umabot na sa 64 na katao ang namatay sa sunog na sumiklab sa isang coronavirus isolation ward sa Iraqi hospital, ang ikalawang kaso ng pagkasunog ng isang COVID-19 unit sa loob lamang ng tatlong buwan, ayon sa isang health official.

Sumiklab ang sunog sa Al-Hussein hospital sa southern Iraqi city ng Nasiriyah nitong hapon ng Lunes.

"Sixty-four (bodies) were retrieved and 39 identified and handed over to their families," ayon sa isang source sa Dhi Qar Forensic Science Department.

Sa pahayag ni Haydar al-Zamili, tagapagsalita ng lokal na pamahalaan, sinabi nitong “the fire… ripped through the Covid isolation ward.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Lima naman ang sugatan, “including two in critical condition,” dagdag niya.

“The victims died of burns and the search is continuing,” ayon pa kay Zamili, habang patuloy na ikinababahala na may mga naipit pang biktima sa loob ng nasunog na gusali.

Higit 60 pasyente ang nananatili noon sa COVID-19 ward.

Agad namang lumikha ng ingay sa social media ang sunog, na nagbukas sa panawagan ng aksyon at pagbibitiw ng ilang top officials.

Agence-France-Presse