Hindi pa inirerekomenda ng Department of Health (DOH) ang COVID-19 booster shots dahil wala pa rin sapat na ebidensya kung ito ay ligtas.

Binigyang-diin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kasalukuyang wala pang kumpletong ebidensya ang DOH upang suportahan ang paggamit ng booster shots.

“Sa ngayon, wala pa kaming pinanghahakwan na kompletong ebidensiya at siyensiya na pwede tayong magbigay nitong mga booster shots na ito,” aniya sa isang virtual press briefing.

“Hanggang wala pang pinanghahawakan ang ating gobyerno, kasama ng ating mga eksperto, ng sufficient evidence to say that it’s going to be safe and effective for our citizens, hindi pa natin mai-rerekomenda ‘yan sa ngayon,” dagdag pa niya.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Nauna nang sinabi ng health official na maging ang mga health experts sa bansa ay hindi pa inirerekomenda ang paggamit ng booster doses dahil wala pa itong sapat ng ebidensya kung ito ay magiging ligtas.

Binigyang kumpiyansa ni Vergeire ang publiko sa mga bakuna, aniya, base sa real-world studies ipinapakita na ang lahat ng bakuna na ginagamit ng gobyerno sa inoculation drive ay epektibo laba sa pagka-ospital, impeksyon, at maaaring maiwasan ang pagkamatay.

“Let us try to wait for direct evidence and science before we can go into that direction of having these booster doses,” aniya.

“Let us give chance to everybody to receive these vaccines, and then we will talk about booster shots,” dagdag pa niya.

Jhon Aldrin Casinas