Very special ang naging pagdiriwang kamakailan ng kaarawan ni Wilma Doesnt.

Well, nag-proposed na kasi sa kanya, finally, ang kanyang longtime non-showbiz partner na si Gerick Parin.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Sa proposal video na ina-upload ng aktres, kita ang pagkabigla ni Wilma na hindi agad nakasagot ng yes sa kanyang boyfriend, na lumuhod pa habang hawak ang ring box.

Sa caption, inilarawan ni Wilma ang nangyari bilang “best birthday gift ever.”

Payo pa niya sa mga kababaihan, na huwag sumuko sa pag-ibig.

“Your past doesn’t define you nor your mistakes in life. I called it process… trusts the process kasi may mas magandang naghihintay sayo,” say pa ng aktres.

Binanggit din niya ang kasabihang “patience is a virtue.”

“Learn to wait.. your time will come no matter what. It will happen. Never lose yourself because you made mistakes. Forgive yourself, respect, and love yourself above all. Para mahanap ka ng taong nakatakda para sayo.”

Pagtatapos ng kanyang post: “Treat your man like a king so that he can fulfill his duties to her queen or should I say to his highness!!!!”