Hinikayat ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang publiko na huwag suportahan ang political dynasty sa darating na 2022 national and local elections.

Ayon kay Pabillo, ang bagong talagang bishop ng Taytay, Palawan, ang pagtangkilik sa political dynasty ay hindi mainam para sa demokrasya ng bansa.

Aniya pa, umaasa siya na magiging mapanuri ang mga botante sa pagpili ng mga ibobotong kandidato sa susunod na halalan.

“Hopefully, we voters will be discerning. If we knew that the candidate is a relative, child or spouse of a politician wanting to take charge, don’t vote for that candidate,” anang obispo, sa ginanap na online town hall meeting, kasama ang opposition coalition 1Sambayan.

National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador

Inihayag ng obispo na dinodomina ng political dynasty ang lokal at national politics kaya’t mahirap papanagutin ang mga tiwaling opisyal miyembro ng kanilang pamilya.

Mary Ann Santiago