Nakatakdang magpatupad ang Department of Transportation (DOTR) ng zipper lane sa EDSA North Avenue dahil sa mararanasang matinding trapiko dahil sa itinatayong Unified Grand Central Station o Common Station ng Metro Rail Transit (MRT).
Tatlong lanes o linya ang maaapektuhan ng nasabing counterflow scheme na tatagal ng 76 araw.
Sa nasabing sistema, gagamitin ang U-turn slot malapit sa West Ave. bilang by-pass para sa southbound zipper lane habang ang U-turn slot malapit sa MRT North Avenue Station ay masisilbing by-pass pabalik ng Southbound.
Maglalagay naman ng traffic signages sa lugar upang gabayan ang mga motorista.
Ang Unified Grand Central Station ay bahagi ng Build, Build, Build project na magdurugtong sa MRT-7, MRT-3, at LRT-1.
Bella Gamotea