Dalawa ang nadakip ng mga awtoridad, kabilang ang isang nagpapanggap na nurse matapos silang mahulil sa pagbebenta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines sa ikinasang entrapment operation sa loob ng isang fastfood chain sa Pasay City, nitong Miyerkules.

Kinilala ni City Police chief, Col. Cesar Pasay-os ang mga suspek na sina Michelle Parajes, 35, at Angelo Bonganay, 28.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District chief Brig. Gen Jimili Macaraeg, ang dalawa ay inaresto sa Roxas Blvd., Brgy. 76, Zone 10, dakong 6:00 ng gabi.

Isinagawa ang pagdakip matapos magreklamo si Dayrelle Esteban 35, dahil ginagamit umano ang kanyang pagkakakilanlan bilang nurse upang magbenta ng mga bakuna kontra COVID-19.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Sasampahan ang dalawa ng kasong paglabag sa Republic Act 10175 (Cyber Crime Prevention Act- Chapter II, Computer-related Identity Theft)  at  paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code, at Estafa/Swindling.

Bella Gamotea