Hindi na dapat kumandidato pa si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagka-Bise Presidente kahit walang batas na nagbabawal sa kanyang muling pagtakbo para sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa sa halalan sa 2022.

Ito ang reaksyon ng election lawyer na si Romulo Macalintal dahil nangangahulugan lamang umano ng political weakness nito.

Magiging mali aniya sa PDP-Laban na patatakbuhin nila si Duterte sa nasabing posisyon.

“It practically runs counter to PDP-Laban’s vaunted position that it is the ‘ruling party’ since it would appear that it has not even developed anyone, other than Duterte, to run for VP in 2022,” pagdidiin nito.

Proseso ng impeachment kay VP Sara, posibleng magahol sa oras?

Layunin aniya ng hakbang ng political party nito na mapanumbalik ang sigla ng mamamayan at ekonomiya ng bansa na kabaligtaran naman sa nangyayari ngayon habang naka-upo si Duterte.

Taliwas din aniya ang pagtakbo ni Duterte sa sinasabi nito na pagod na siyang sa pagiging Pangulo.

“If he runs for VP then he denies other qualified Filipinos of ‘equal access’ to render public service

The foregoing show that yes, Duterte can run for Vice-President. But he should not. As one famous quote goes, having the right to do something does not mean that doing it is right,” dagdag pa ni Macalintal.

Leslie Ann Aquino