Hindi pa inirerekomenda ng Department of Health (DOH) sa publiko ang pagkuha ng "booster shot" o ikatlong dose ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, pinag-aaralan pa rin ng mga eksperto ang booster shot.
Paliwanag niya, sa kasalukuyan ay wala pang sapat na ebidensya na kailangan ang booster shot, matapos ang dalawang dose ng COVID-19 vaccine.
Pinakamainam pa rin aniya na hintayin na lamang ng lahat ang mga ebidensya kung kailangan pa talaga ang nasabing hakbang.
Bukod dito, batid din naman aniya ng lahat na hindi pa stable ang supply ng COVID-19 vaccines, at hindi pa nabibigyan ng bakuna ang buong populasyon sa bansa.
Mary Ann Santiago