Iginiit ni Health Secretary Francisco Duque III na mapatawan ng mabigat na parusa ang mga taong iligal na nagbebenta ng COVID-19 vaccines.

Ang pahayag ay ginawa ni Duque kasunod ang pagkakaaresto ng tatlong katao, na kinabibilangan ng isang nurse, na naaktuhang nagbebenta ng 300 doses ng Sinovac vaccine.

“Talagang ito dapat mapatawan ng kaparusahan na hindi makakalimutan ng mapaparusahan,” ayon sa kalihim.

Kasabay nito, nanawagan rin siya sa lahat na huwag namang bastusin at hiyain angnapakagandangprograma ng pamahalaan na magbigay ngproteksiyonsa bawat Pinoy laban sa COVID-19.

Atty. Medialdea, may kuwento tungkol kay FPRRD matapos arestuhin ng ICC, dalhin sa The Hague

Kinuwestiyon rin naman ni Duque kung paano nagagawa ng mga naturang illegal sellers ang mga naturang COVID-19 vaccines na may required na temperatura upang mapanatili ang kanilang bisa.

Una na rin namang pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang publiko na ang COVID-19 vaccines ay hindi ipinagbibili at sa halip ay libre lamang itong ipinagkakaloob sa mga mamamayan, alinsunod sa itinakda nilang priority list.

Mary Ann Santiago