Siyam na babaeng menor-de-edad ang nailigtas ng mga pulis ang isang umano'y sex den na ikinaaresto ng tatlong suspek sa Caloocan City, nitong  Huwebes ng gabi.

Ayon kay Lt. Meliton Pabon, head ng Women's and Children Concerned Desk-Northern Police District (WCPD-NPD) 5:45 ng hapon, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang police asset kaugnay ng umano'y nadiskubreng prostitution den sa Barangay 176, Bagong Silang, dakong 5:45 ng hapon.

Dahil dito, kaagad na isinagawa ng mga awtoridad ang pagsalakay sa Block 25, Lot 5, Package 5 , Brgy. 176, Bagong Silang na nagresulta sa pagkakaligtas sa siyam na babae.

Kabilang naman sa mga inaresto sina Cris Jatson Magbanua, 18; John Mico Atendido, 21, at isang binatilyo.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

Tinutukoy pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga may-ari ng bahay na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003).

Orly Barcala