Binanatan ng isang kongresista ang umano'y umiiral na “palakasan” sa alokasyon o pagkakaloob ng COVID-19 vaccines sa bansa.

Ayon kay Iloilo City Rep. Janette Garin, dapat na maging sistematiko at scientific ang pamamaraan sa pamamahagi ng mga bakuna.

Hiniling ni Garin kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. na maging matapat at huwag sisihin ang Department of Health na in charge sa alokasyon ng bakuna, sa usapin.

Aniya, kapag tinawagan umano si Galvez ng isang kakilala o kaibigan nito, agad siyang nagbibigay ng bakuna. Gayunman, Itinanggi ito ni Galvez.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

“Why don’t we give the vaccines because that is for prevention? And why do we base it on who calls you up, who is a friend of whom or who is angry? There’s no problem with that, but not at the expense of other areas that are wanting vaccines and other beneficiaries who need their second dose,” ani Garin.

Ayon kay Garin, dating health secretary noong Aquino administration, naobserbahan niya na si Galvez ay umaaktong parang isang "bumbero na ginagamit ang mga bakuna para patigilin ang pagdagsa ng COVID-19 sa ilang lugar ng bansa.

“That is not how our vaccines should work … Vaccines are supposed to be for prevention. Remember that if we are going to base it on the number of cases in a certain place, then we should no longer isolate. Let’s just allow the cases to increase so that we could also be entitled to more vaccines. Clearly, this is a big disincentive,” pahayag pa ng mambabatas.

Bert de Guzman