Kahit na nasa 66 kilometro pa ang layo ng Metro Manila mula sa Taal Volcano ay apektado pa rin ito ng pagbuga ng nakalalasong usok ng nasabing bulkan.

Nitong Miyerkules ng umaga, kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na bukod sa National Capital Region (NCR), umabot na rin ang nasabing smog (naghalong usok at hamog) sa Batangas at ilang bahagi bahagi ng Southern Luzon (Laguna, Cavite, Rizal) at Central Luzon (Bulacan, Pampanga, Bataan at Zambales).

Babala ng Phivolcs, ang nasabing usok (sulfur dioxide) ay nagdudulot ng eye irritation, sakit sa lalamunan at respiratory tract, depende na rin sa tagal nang pagkalantad sa nasabing kemikal.

Ellalyn De Vera-Ruiz

National

Malacañang, nagdeklara ng 'National Mourning' sa pagpanaw ni Pope Francis