Libreng makatatanggap ng one-shot na bakuna laban sa COVID-19 ang mga Pilipinong pasahero na parating at paalis mula sa San Francisco International Airport (SFO).

Maaaring makuha ng mga kuwalipikadong indibiduwal ang single-dose ng Janssen (Johnson & Johnson) sa SFO Medical Clinic mula Lunes hanggang Biyernes, 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap ng SFO na makabiyahe ang mga padahero ng maayos at ligtas sa gitna ng pandemya.

Upang maging eligible, ang pasahero ay kailangang nasa 18-anyos pataas, walang history ng pagtanggap ng ibang COVID-19 vaccine. Habang ang mga pasahero na tumanggap ng anumang monoclonal antibodies bilang gamot sa COVID-19 ay inaabisuhan na maghintay ng 90 araw bago tumanggap ng bakuna upang maiwasan na makaapekto sa gamot. Ang may mga allegy sa anumang sangkap ng bakuna ay pinapayuhan na huwag magpabakuna upang maiwasan ang anumang komplikasyon.

Pagbebenta ng ₱20/kilo ng bigas para sa mga senior, PWD, solo parents, sisimulan sa Mayo 2

Maaaring magpa-book ng appointment ang mga interesadong pasahero bago ang kanilang biyahe. Bagamat tumatanggap ng walk-in, ito ay na sa first come, first-served basis.

Para sa appointment at iba pang detalye maaaring bisitahin ang www.flysfo.com/travel-well/vaccination-site-sfo o sa www.flysfo.com/ph/pagpapabakuna.