Tiniyak ng Department of Health (DOH) na masusi na nilang iniimbestigahan ang isang viral video ng isang ginang na nagpapabakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) dahil sa hindi naman napindot ng health worker saheringgilyanaitinuroksa kanya sa Makati City, kamakailan.

Sa pahayag ng DOH, ito ay malinaw na ‘breach of protocol’ at sinigurong nakikipag-ugnayan na sila sa lokal na pamahalaan ng Makati City sa isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

“The DOH is aware of the circulating video of a prospective vaccine recipient who failed to receive a proper dose of COVID-19 vaccine. This is a clear breach of vaccination protocol,” ayon sa DOH.

Sa naturang viral video na sinasabing nangyari sa isang vaccination site sa Makati City, makikitangitinusokng health worker sa 'vaccine recipient' ang heringgilya, gayunman, binunot agad ito nang hindi pa napipindot kaya’t hindi rin niya naiturok ang bakuna.

Eleksyon

VP Sara, nag-eendorso raw para sa impeachment trial—solons

Paglilinaw naman ng DOH, kaagad na ini-report ng nag-video ang insidente sa namamahala sa vaccination site at kaagad din nila itong inaksyunan.

Sinabi ng DOH, matagumpay din na nabakunahan ang ginang at huminginaman ng paumanhin anghealth worker.

“Sinisigurado po namin na ating iimbestigahan ang pangyayaring ito upang mapabuti ang ating national vaccination program. Sa pagdating ng mas maraming bakuna sa bansa, we will continue to improve our speed, scale, and quality of service,” ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III.

Mary Ann Santiago