Kinontra ni Vice President Leni Robredo ang mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang anti-crime civilian groups dahil sa ito ay "lubhang mapanganib" at posibleng abusuhin ng mga tiwaling indibidwal.
Sa kanyang lingguhang programang “BISErbisyong LENI”, sinabi ni Robredo na masyadong delikado ito. "It's a big responsibility, a big accountability. Arming is not just something you do. The opportunity for abuse seems big."
Binanggit ni Duterte ang ideya na armasan ang grupo sa paglulunsad ng Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers sa Camp Crame. Ang koalisyon ay binubuo ng civilian organizations na magsisilbing kaagapay ng pulisya sa paglaban sa krimen.
Gayunman, ipinaliwanag ni Robredo na lagi nang may mga tao na lalabag sa batas pero "this was more of an exception to the rule.”
Bert de Guzman