Aabot sa 27 na plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P9,180,000 ang nasamsam sa dalawang residente na kapwa walang suot na face mask sa Taguig City, nitong Linggo ng hapon.

Kinilala ni City Police Chief, Col. Celso Rodriguez ang naarestong mga suspek na si Jaime Nepacina at Eskak Kamsa, kapwa nasa hustong gulang at pawang taga-Barangay New Lower Bicutan ng nasabing llungsod.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District chief, Brigadier General Jimili Macaraeg, namataan ng mga pulis ang dalawang suspek na walang suot na face mask sa Road 16, Purok2, Maguindanao Streetkaya sinitaang mga ito dakong4:30 ng hapon.

Sa isinagawang body search, nakumpiska sa dalawa ang 350 gramo ng umano'y shabu, isang bungkos ng P100 bill na umabot ng P10,000; at iba pang drug paraphernalias kaya sila ay dinakip.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002).

Bella Gamotea