Sa makailang beses nang panawagan, muling hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na magbalik-loob na sa pamahalaan at isuko pati ang kanilang armas.

Isinabay ng Pangulo ang kanyang panawagan sa naging talumpati nito sa idinaos na oath-taking ceremony ng mga opisyal ng Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy support groups at force multipliers sa Philippine National Police Multipurpose Center sa Camp Crame, Quezon City, nitong Biyernes.

Ipinangako ni Duterte sa mga rebeldeng susuko na mabibigyan sila ng libreng pabahay, pinansiyal at food assistance.

Pangako ng Pangulo na ang mga rebelde na nais na mapasama sa mainstream society ay sasailalim sa skills training sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Pagbebenta ng ₱20/kilo ng bigas para sa mga senior, PWD, solo parents, sisimulan sa Mayo 2

Pero bilin ng Pangulo na kailangan din na isuko ng mga miyembro naman ng Communist Party of the Philippines’ (CPP) armed wing, NPA, ang kanilang armas kung nais nilang mapagkalooban ng alok ng pamahalaan.

“Surrender without arms is not good, because nothing changes the equation up in the mountains. If the firearms are still there and they come down to surrender, minus the arms, then nothing has changed in the equation, in the totality,” pahayag pa nito.

Beth Camia