Pinaiimbestigahan na ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang dalawang traffic enforcer na nahagip sa video habang nangingikil umano sa isang rider sa Baclaran, Parañaque City, kamakailan.
Hindi masyadong malinaw ang mga mukha ng dalawang enforcer na umano'y sangkot sa pangongotong dahil kuha umano ito sa top view kaya masusing ipinaaalam sa Traffic Discipline Office (TDO) ang pagkilanlan ng mga ito para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.
“We will never tolerate extortion, bribery, and other forms of corruption among our personnel. Those two traffic enforcers will be dealt with accordingly. Charges will be filed against them,” ani Abalos.
Sa naturang viral footage, kitang-kita ang isa sa traffic enforcer na pasimpleng tinanggap ang pera na mistulang driver’s license ang iniabot.
Muling umapela si Abalos sa publiko na isuplonbg sa kanilang ahensya ang sinumang kawani nila na gagawa ng iligal na aktibidad.
“We call on the public to be on the lookout for erring traffic enforcers on the streets. Help us in weeding out these people as a way to better serve the public,” dagdag pa nito.
Bella Gamotea