Tila balewala lamang sa 29 na indibidwal ang pagkakasama ng kanilang pangalan bilang pinangalanang terorista ng gobyerno.

Ito ay matapos hanggang sa ngayon ay wala pa rin isinusumiteng verified request sa council ang 29 na personalidad para matanggal sa listahan ang kanilang pangalan.

Ayon kay ATC Spokesperson at Justice Usec. Adrian Sugay, kahit mahigit isang buwan na ang lumipas mula nang ilathala ng ATC sa pahayagan ang nabanggit na listahan ay wala pa ring umaaksyon dito.

Sa resolusyon ng ATC, may 15 araw ang mga ito para magsumite ng kahilingan para sila ay ma-delist mula nang mailathala ang kanilang pangalan.

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7

Magugunita na kabilang sa mga nasa listahan ay ang 19 na Central Committee Members ng CPP-NPA at 10 local terror group.

Kasama sa tinukoy na terorista ng ATC ay si CPP founder Jose Maria Sison at misis nitong si Julieta De Lima Sison, at ang mag-asawang sina Benito Enriquez Tiamzon at Wilma Austria Tiamzon.

Beth Camia