Busy ang aktres at socialite na si Heart Evangelista sa paghahanda ng kanyang panibagong negosyo.

Ayon sa aktres, kasalukuyan siyang nagde-develop ng isang beauty company at ito ang kanyang pinagkakaabalahan.

Naikuwento ito ng aktres sa kanyang recent Q & A sa mga fans.

Nang matanong kung nararanasan din ba niyang tamarin (lazy) to the point na ayaw niyang gumawa ng kahit ano at mahiga na lang sa kanyang kama buong maghanpon, sagot ni Heart, “Oh yessss but I just have so much on my plate that I can’t afford to sit pretty.”

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Sa kaparehong Q&A thread, ibinahagi rin ni Heart kung paano niya mino-motivate ang sarili.

“I’ve mastered that! I let everything in life bad or good motivate me! I am so determined to achieve my goals in life and I know I can do it as long as I have a ‘child-like faith.’ Tried and tested,” she said. “I really, truly believe anything in life is possible as long as you pray hard, work hard, play hard, be kind and focus!”

Sa usapin kung paano maging successful sa kanilang chosen business, ipinayo ni Heart sa kanyang Instagram followers na they “must” do something that they “love” at alam nila mula mismo sa puso.

“(This is for your own business) mind you – you need to work on other things on the side as well. Work work work then do something you are most passionate about!”