Pagtatakip lamang ang dahilan ni International Criminal Court (ICC) prosecutor Fatou Bensouda sa ginawa nitong pagdulog sa ICC pre-trial chamber.
Ito ang paniniwala ng Malacañang para ihirit ang pormal nang pagsasagawa ng imbestigasyon sa akusasyong crimes against humanity kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may mga batikos na kay Bensouda na mga kapwa Africano lamang niya ang kanyang kinakasuhan.
At upang masabi aniya na hindi lang African ang kaya nitong asuntuhin ay nagkaso ito ng isang hindi niya kalahi.
Beth Camia