Naniniwala ang kampo ni Senador Leila de Lima na nagkaroon sila ng pag-asa matapos na mag-inhibit si Muntinlupa City Regional Trial Court

(RTC) Branch 205 Presiding Judge Liezel Aquiatan sa pagdinig sa isa sa mga naiiwang drug cases na isinampa laban sa kanya.

“We welcome Judge Aquiatan’s voluntary inhibition from handling my case. This is an opportunity to have a presiding judge who will dispense true justice in this case without fear or favor,” ani  de Lima.

Si Aquiatan ang ika-imang hukom na umayaw sa kaso ni de Lima. Ang dalawang iba pa ay nagretiro na.

National

PCO, kinumpirmang sina PBBM, FL Liza sumagot sa hospital bills ni Nora Aunor

Nauna ng binasura ni Aquiatan ang isang kaso ni de Lima kaya nagsampa ito ng Motion for Voluntary Inhibition, gamit ang dahilang hindi sineryosong ikonsidera ang kanilang mga argumento.

Leonel Abasola