Dinakip ng mga awtoridad ang isang pinaghihinalaang big-time drug pusher matapos masamsaman ng P121.8 milyong illegal drugs sa isang buy-bust operation sa Las Piñas City nitong Martes ng hapon.
Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng naarestong si Moises Joshua Esguerra, 23, may asawa, at taga-Block 8, Lot 1, PNB Homes, BF Resort, Barangay Talon Dos ng nasabing lungsod.
Sinabi ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR), hindi na lumaban pa ni Edguerra nang arestuhin nila ito, katulong ang grupo ng Southern Police District at Las Piñas Police sa bahay nito, dakong 3:00 ng hapon.
Bukod sa pinaghihinalaang droga, nakumpiska rin sa kanya ang marked money at mga personal na gamit nito,
Sinisiyasat pa ng pulisya ang kaso.
Bella Gamotea
ReplyForward