Binira ni Deputy Speaker at Cagayan De Oro City Rep. Rufus Rodriguez sina Health Secretary Francisco Duque III, vaccine czar Carlito Galvez Jr. at Inter-Agency Task Force co-chairman Karlo Nograles, dahil umano sa kawalang aksiyon sa pagtugon sa pagsipa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Mindanao at Visayas.

Ang kawalan aniya ng bakuna ang problema sa Cagayan de Oro at iba pang “battlegrounds,” o mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19 at pagkamatay ng mga pasyente na karamihan ay mula sa Mindanao at Visayas.

“Ang problema ay ang inaction nina Duque, Nograles, at Galvez. No action at all for the battleground places of the Philippines, only Metro Manila lang,” anang kongresista.

Ito aniya ang dahilan ng paghihirap sa kanilang mga lungsod. "Kulang talaga ang vaccines, nasa A2 at A3 pa kami,” ani Rodriguez.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Iginiit pa ng mambabatas na dapat na unahin ng gobyerno at i-reallocate ang mga suplay ng bakuna sa mga lugar na dumaranas ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Bert de Guzman