Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na sisimulan nito ang pakikipag-usap sa United States kaugnay ng Visiting Forces Agreement (VFA) nito sa Pilipinas kung maipaliliwanag sa kanya kung bakit hindi nila pinuwersa ang China na i-withdraw ang kanilang mga barko kaugnay sa usapin sa South China Sea noong 2012.

Inilabas ni Duterte ang pahayag sa isang panayam sa kanya ni Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ sa SMNI News Channel nitong Martes.

Sa naturang panayam, ibinunyag ng Pangulo na problema pa rin sa kanya ang VFA at hindi niya ito tatalakayin sa U.S. hanggang hindi naipaliliwanag sa kanya ang sitwasyon ng South China Sea.

"May malaking problema tayo dito kasi nga nangyari itong broker ang Amerika tapos nag-atras tayo. Bakit ang China hindi nila pinilit na mag-atras din. Unless they can explain it to me in a very simple way na maintindihan ng buong Pilipinas,” aniya.

National

‘Julian’ isa na lamang LPA; nasa labas na ng PAR

Pinanindigan ni Duterte na nag-ugat ang problema sa West Philippine Sea nang umatras ang Pilipinas sa usapin noong 2012 dahil sa pakikialam ng Amerika.

Pagdidiin nito, nakuha ng China ang mga isla ng Pilipinas dahil sa nasabing usapin.

"It was the Americans who brokered critical talks to solve the impasse there. Sabi ng Amerika,’We will not allow ourselves to be involved in territorial disputes.' “Di nga kayo nakialam pero pinaatras ninyo ang Pilipinas,” pagdidiin pa ni Duterte.

Argyll Cyrus Geducos