Napagwagian na ng isang masuwerteng mananaya ang P29.7 milyong jackpot prize ng GrandLotto 6/55 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 13 - 19 - 43 - 33 - 41 - 46 ng GrandLotto 6/55, sanhi upang mapanalunan nito ang katumbas na total Jackpot Prize na P29,700,000.

Nabili umano ng masuwerteng mananaya ang kanyang lucky ticket sa Baguio City, Benguet.

Upang makubra ang kanyang premyo, pinayuhan ni Garma ang lucky bettor na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kailangan rin umano nitong magprisinta ng dalawang valid ID at ang kanyang lucky ticket.

Nabatid mula sa PCSO na ito na ang ikalawang milyonaryo na nanalo sa Lotto ngayong buwan ng Hunyo habang pang-limang milyonaryo naman sa loob lamang ng dalawang linggo.

Ang Grand Lotto 6/55 draw ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado ng gabi.

Mary Ann Santiago