JAEN, Nueva Ecija – Dead on the spot ang isang 42-anyos na lalaki at nakaligtas ang dalawang kapatid na angkas nito sa motorsiklo matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Magsalisi ng nabanggit na bayan, kamakailan.

Ang biktima ay kinilala ng Jaen Police na si Jose Bongcayao, taga-nasabing lugar. Nakaligtas naman sa insidente ang dalawang kapatid—isang lalaki at babae.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, pauwi na sana ang magkakapatid sakay ng isang motorsiklo nang biglang sumulpot ang dalawang naka-motorsiklo at pinagbabaril ang mga ito.

Inihayag ng pulisya, sa kabila ng mga tama ng bala sa katawan, pinaharurot pa rin ng biktima ang motorsiklo at itinigil sa isang lugar kung saan ito bumaba at pinatakas ng dalawang kapatid lulan ng motorsiklo.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Gayunman, sinundan pa ito ng dalawang suspek at pinagbabaril pa hanggang sa bawian ng buhay.

Light Nolasco