Ang pinakamatandang tubig sa buong mundo ay natagpuan sa sinaunang pool sa Canada noong 2016 at ito ay halos dalawang bilyong taong gulang.
Noong 2013, nakita ng mga scientist ang tubig na 1.5 bilyong taong gulang sa Kidd Mine sa Ontario, ngunit noong 2016, sa mas malalim na pag-iimbestiga ay naisiwalat ang isang mas matandang tubig na nasa ilalim ng lupa.
Sa inisyal na pagkakatuklas, ang likido noong 2013 ay nagmula sa lalim na 2.4 kilometro (1.5 miles) sa isang underground tunnel sa minahan. Ngunit ang pinaka malalim sa buong mundo ay 3.1 kilometro (1.9 miles) kaya nagkaroon pa nang oportunidad na maghukay pa ang mga mananaliksik
"[The 2013 find] really pushed back our understanding of how old flowing water could be and so it really drove us to explore further," ayon sa interview ni geochemist Barbara Sherwood Lollar mula sa University of Toronto.
"And we took advantage of the fact that the mine is continuing to explore deeper and deeper into the earth."
Noong 2016, natagpuan ito ng 3 kilometro ang lalim at ayon kay Sherwood Lollar, marami pang ang maaaring asahan.
"When people think about this water they assume it must be some tiny amount of water trapped within the rock," aniya
"But in fact it's very much bubbling right up out at you. These things are flowing at rates of liters per minute – the volume of the water is much larger than anyone anticipated."
Mas mabagal ang agos ng groundwater kumpara sa surface water— kasing bagal ng 1 metro kada taon. Ngunit kapag na-tap sa mga borehole at na-drill sa minahan kaya nitong umagos ng 2 litro kada minuto.
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga gases na natunaw sa sinaunang groundwater— kabilang ang helium, neon, argon, at xenon— nalaman ng mga mananaliksik na ito ay nasa 2 bilyong taon, at tinagurian itong pinaka matandang tubig sa buong mundo.
Ang mga natuklasang ito ay prinesenta noong Disyembre 2016 sa American Geophysical Union Fall Meeting sa San Francisco.
Sa nakaraang pananaliksik noong Oktubre, ang sulfate content ng tubig ay nasa lalim na 2.4km at nagpakita ito na isang bagay nakaka-interesado— na ang sulfate na ginawa sa situ sa isang kemikal na reaksyon sa pagitan ng tubig at bato at hindi resulta na nadala ito ng surface water sa ilalim ng lupa.
Nangangahulugan ito na ang mga geochemical conditions sa mga sinaunang pool ng tubig na pinutol sa ibaba ay maaaring sapat na mapanatili ang microbial life—isang underground ecosystem na maaaring tumagal sa bilyun-bilyong taon.
"The wow factor is high," ayon kay Long Li na isang mananaliksik na mula sa University of Alberta.
"We still need to determine what the distribution of ancient waters are on Earth, what the ages of this deep hydrogeosphere are, how many are inhabited,” ayon kay Sherwood Lollar.
“And how any life we might find in those isolated waters is the same or different from other microbial life found for instance at the hydrothermal vents on the ocean