Nagbitiw nitong Biyernes ang air force chief ng South Korea matapos ang pagpapatiwakal ng isang babaeng master sergeant na umano’y biktima ng sexual assault mula sa isang kasamahan nito at binalewala ang kanyang reklamo.

Lumikha ng matinding ingay ang insidenteng ito sa South Korea, na nagpapanatili ng conscript army upang depensahan ang sarili laban sa nuclear-armed North Korea at nananatili sa malalim na patriarchal system sa kabila ng ekonomiya at technological advances.

Ang master sergeant, na nakilala lamang sa surname na Lee, ay sinasabing inabuso ng kanyang kasamahan sa isang sasakyan noong Marso, ayon sa defence ministry.

Naghain ito ng reklamo, ngunit ayon sa pamilya ay pinipilit ang biktima ng kanyang mga superior na iatras ang kaso at lumagda sa isang settlement.

Eleksyon

ACT-CIS, Duterte Youth, PPP, at 4PS, nanguna sa 2025 Party-List Survey

Nagpalipat ang biktima sa ibang base at natagpuang patay sa quarters nitong nakaraang buwan.

Ayon sa pamilya, nag-iwan ng footage ng kanyang pagkamatay ang biktima sa phone nito, at sinabi sa isang panayam na: “How can you protect a country when you can’t even protect a member of your own military?

“How could you make her feel this lonely? How could you make her feel there was no one there for her and she had to make such an extreme choice?”

Hanggang nitong Biyernes ng hapon umabot na sa 350,000 katao ang lumagda sa petition sa presidential office, na nananawagan sa isang masusing imbestigasyon.

Naaresto na ang suspek sa kaso ngayong linggo at nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Mabilis namang tinanggap ni President Moon Jae-in ang pagbibitiw nitong Biyernes ni Air force chief general Lee Seong-yong.

“I feel heavy responsibility over the series of circumstances,” saad ng general.

“I express my deep condolences to the victim and extend sincere condolences to the bereaved family.”

Agence-France-Presse