Pinagtibay ng Sandiganbayan ang hatol na pagkakakulong nina dating Cagayan de Oro Rep. Constantino Jaraula, Janet Lim-Napoles at tatlong iba pa kaugnay ng kasong graft at malversation dahil sa pagkakadawit sa pork barrel fund scam noong 2007.

Bukod kina Jaraula at Napoles, pinagtibay din ang pagkakakulong kina Technology Resource Center (TRC) Group Manager Ma. Rosalinda Masongsong Lacsamana, Legislative Liaison Officer at Sales and Promotion Officer V Belina Concepcion, at pribadong indibidwal na si Mylene Encarnacion.

Nag-ugat ang kaso sa maling paggamit ng mga ito sa P28.8 milyong bahagi ng Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Matatandaang pinatawan sila ng anti-graft court ng mula anim hanggang 10 taong pagkakakuliong para sa tatlong graft case, bukod pa ang kautusan ng korte na magbayad ng danyos na P28.8 milyon sa gobyerno.

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo

Sa kanilang kasong malversation, pinatawan din sila ng mula 12 hanggang 18 taong pagkakakulong sa bawat isa ng kanilang kaso, bukod pa ang kautusan ng hukuman na magmulta ng P28.8 milyon.

Czarina Nicole Ong Ki