Maraming pageant fans ang kumbinsido na sasabak si Samantha Bernardo sa Miss Universe Philippines.

Ito matapos i-repost mismo ng beauty queen sa kanyang Instagram story ang IG post ng isang pageant fan account na may nakasulat na, “The first runner up of Miss Grand International @samanthabernardo__ next heading towards Miss Universe Philippines???”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Tatlong beses ding sumabak ang Palawena beauty queen sa Binibining Pilipinas hanggang mapili siya na kinatawan ng bansa para sa 2020 Miss Grand International (MGI) pageant na idinaos sa Thailand.

Dito, nagtapos ang Kagandahang Flores beauty queen bilang first runner-up.

Samantala, inanunsiyo nitong nakaraang linggo ng Binibining Pilipinas at Miss World Philippines na gaganapin ang kanilang coronation night sa Hulyo 11.