Ipinauubaya pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos ang kanyang magiging kapalaran para sa papalapit na 2022 national elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon ay wala pa naman ibinibigay na anumang panibagong pahayag ang Pangulo kaugnay sa posibilidad na kumandidato ito bilang Vice President sa nalalapit na eleksyon.

"Kung kalooban talaga ng Diyos na siya (Pangulo) ay tumakbo sa darating na halalan, tiyak na ito ang mangyayari," wika ni Roque.

Dagdag ni Roque na kung makikita ng Pangulo ang mga mensahe o senyales mula sa Diyos para ito ay tumakbo bilang Bise, mag-aanunsyo ito ng kanyang desisyon sa tamang panahon.

Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon

Una nang nagpahayag sa kanyang programa si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na sa tingin niya ay maaaring tumakbo bilang bise president si Duterte bilang running mate ng anak nitong si Davao City Mayor Sara Duterte.

Beth Camia