Mananatili ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na mas kilala bilang National Capital Region-plus (NCR-plus) bubble area sa general community quarantine (GCQ) with restrictions hanggang Hunyo 15, 2021.
Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Duterte sa kanyang pre-recorded public address nitong Lunes ng gabi.
Narito ang mga lugar na isinailalim sa GCQ para sa buong buwan ng Hunyo:
· Baguio City
· Kalinga
· Mountain Province
· Abra
· Isabela
· Nueva Vizcaya
· Quirino
· Batangas
· Quezon
· Iligan City
· Davao City
· Lanao Del Sur
· Cotabato City
Samantala, ang mga sumusunod ng lugar ay isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 15:
· Lungsod ng Santiago, Isabela
· Cagayan
· Apayao
· Benguet
· Ifugao
· Puerto Princesa City
· Iloilo City
· Zamboanga City
· Zamboanga Sibugay
· Zamboanga del Sur
· Zamboanga del Norte
· Cagayan de Oro City
· Butuan City
· Agusan del Sur
Ang natitirang lugar sa bansa ay isinailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) sa buwan ng Hunyo.
Sa kabila ng pagbaba ng COVID-19 cases, ayon sa Department of Health hindi pa rin sila pabor na paluwagin ang mga restrictions sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ.
“We’re not out of the woods kumbaga. Kaya ayun yung sasabihin ko kapag nag pulong kami sa Lunes,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque III sa isang panayam sa radyo.
“Ipapakita ko ang datos na may kataasan pa rin talaga ang mga kaso araw-araw” dagdag niya.
Sa ngayon, naitala ang 1,230,301 COVID-19 cases, 20,966 ang mga nasawi at 1,155,045 naman ang gumaling dito sa bansa.