Magpatutupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-presyo sa kanilang produktong petrolyo sa Hunyo 1.

Sa anunsyo ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga, magtataas ito ng P0.80 sa presyo ng kada litro ng gasolina; P0.40 sa presyo ng diesel; at P0.25 naman sa presyo ng kerosene nito.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya sa kahalintulad na dagdag-presyo kahit wala pang abiso ang mga ito.

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Metro

Grupong PISTON, hindi lalahok sa 3 araw na transport strike ng MANIBELA

Noong Mayo 25, tumaas ng 25 sentimos ang presyo ng diesel at 15 sentimos sa presyo ng gasoline kasabay ng tapyas-presyo naman sa kerosene.

Asahan na rin ng mga consumer ang big-time price increase ng liquefied petroleum gas (LPG) na ipatutupad ng ilang kumpanya ng langis.

Posibleng tumaas ng P1.50 hanggang P2.00 ang presyo ng kada kilo ng LPG na katumbas ng P16.50-P22 na dagdag-presyo sa bawat 11 kilo tangke ng cooking gas sa merkado.

Bella Gamotea