Nabisto ng mga pulis ang masamang gawain ng isang lalaki na unang sinita dahil sa hindi pagsusuot ng face mask matapos aksidenteng malaglag umano mula sa kanya ang itinatagong mahigit P1-milyong halaga ng pinaghihinalaang iligal na droga sa Taguig City, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) chief, Brigadier General Jimili Macaraeg ang suspek na si Narex Diocolano, nasa hustong gulang,binata at taga-Maharlika Village, Taguig City.

Sa ulat, inaresto ang suspek sa Guevarra St., New Lower Bicutan nang mapansin ang suspek na walang suot na facemask kaya ito sinita.

Tumakbo pa ang suspek kaya hinabol siya ng mga pulis hanggang sa mahulog umano mula sa kanya ang isang eco-bag na naglalaman ng mga plastic sachet ng 155 gramo ng ‘shabu’ na nagkakahalaga ng P1,054,000.00.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bella Gamotea