Sa May 31, itataas na ang multa para sa mga nahaharap sa administrative offenses, bukod pa sa naghihintay na parusang pagkasibak o suspensyon sa trabaho.
Maaringpagmultahin nghanggang P200,000 ang sinumang huwes na mapatutunayang nagkasala sa isang mabigat na kaso.
Para naman sa hindi gaanong mabigat na kaso, pagmumultahin ito ng hanggang P100,000, at hanggang P35,000 sa magaan na kaso.
Depensa ng Korte Suprema, ang taas-multa ay upang maibagay sa ipinatutupad na suspensyon at bunsod na rin ng pagliit ng halaga ng piso kontra dolyar.
Beth Camia