Si Geneva Cruz ang tinanghal na ika-12 at huling weekly winner ng “Your Face Sounds Familiar Season 3” bago ang Grand Showdown ngayong weekend sa kanyang paggaya kay Liza Minnelli.

Tumanggap ng 39 puntos ang Pop Royalty matapos awitin ang “Cabaret” ni Liza. Ito ang pinakamataas na iskor na nakuha ng isang celebrity performer ngayong season. Bukod sa pinakamataas na boto mula sa lahat ng jury na sina Gary Valenciano, Sharon Cuneta, at Ogie Alcasid, nakuha rin ni Geneva ang boto ng mga kapwa contestant.

Ayon ka Ogie, perpekto ang panggagaya ni Geneva sa sikat na singer mula sa hitsura hanggang sa galawan. Tinawag din itong “magnificent” ni Gary, habang pinuri ni Sharon ang pagiging propesyunal niya dahil nagpatuloy siya sa kompetisyon sa kabila ng pagkawala ng kanyang ina.

“Mama, para sa ‘yo nanalo na rin ako. She wanted me to win. I love you Mama, this is for you,” pahayag ng singer matapos tanggapin ang tropeo at P50,000 na premyo para sa kanyang panalo.

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Sa panalo ni Geneva, lahat ng celebrity performers ay naging weekly winner na ngayong season.

Sa Grand Showdown, na LIVE na mapapanood sa Sabado at Linggo (Mayo 29 at 30), ang mga celebrity performer mismo ang pipili ng kanilang gagayahin.

Ayon pa sa host na si Luis Manzano, malaking bahagi ang gagampanan ng mga KaFamiliars sa pagpili ng Grand Winner, na tatanggap ng house and lot at P1 million.  Kalahati o 50% ng final score ay manggagaling sa boto ng publiko at ang natitirang 50% naman ay base sa kabuaang boto na natanggap nila mula sa mga hurado mula Week 1 hanggang Week 12.

Mercy Lejarde