May 700 atleta, coach at iba pang delegado para sa Tokyo Olympics at SEA Games ang naturukan ng bakuna laban sa COVID-19 sa Manila Prince Hotel sa Ermita, Maynila nitong Biyernes.
Naiulat na Sinovac ang tinanggap na bakuna ng grupo.
Inunang bakunahan ang mga ito upang matiyak na protektado na sila laban sa COVID-19 bago magtungo at lumahok sa Tokyo Olympics sa Japan at Sea Games sa Vietnam sa darating na Nobyembre.
Tiniyak naman ni Manila Health Department Chief Dr. Poks Pangan na kayang makabunahan ang 700 katao dahil ito ay commitment ng lokal na pamahalaan sa Philippine Sports Commission.
Mary Ann Santiago