Ang pinal na architectural plan para sa memorial marker na ginawa para sa pagpupugay nang namayapang hero dog na si Kabang. Dito rin ilalagay ang estatwang gawa sa 400 kilos na solid aluminum na obrang Davao-based public art artist na si Kublai Millan.
Ang modernong pedestal na nagdadala ng estatwa ay pagbibigay-pugay sa “humility” ng mga Aspin sa ating bansa. Ang simpleng hugis at anyo nito ay sumasalamin sa katamtaman ngunit eleganteng kalikasan at pagpapakita na sila ang pinaka karaniwan o kilalang breed na maaasahan ng mga Pilipino.
Ang split naman sa gitna ay nagpapakita ng mga napapanahong elemento ng vinta na nagmula sa Zamboanga, ang pinagmulang lugar ni Kabang. Nirerepresenta nito ang kabayanihan ni Kabang na tumatak sa puso ng mga Pilipino lalo na sa mga Zamboangueños. Ang memoryal na ito ay idinisenyo ng arkitektong si Keith San Antonio.
Ang memorial marker na ito ang pinakauna sa Pilipinas na may hangaring maging inspirasyon at mithiin na mas maging makabuluhan ang katayuan ng mga Aspin sa ating bansa.
Si Kabang ay ang Zamboanga City’s Ambassadog of Goodwill for Responsible Pet Ownership at Global Advocate for Animal Welfare.
Via Kabang the Hero Dog FB Page
#Kabang
#KabangLegacy