Inilabas na ng mga guro ang kanilang sama ng loob dahil sa kakulangan ng suporta ng pamahalaan sa kanilang hanay sa gitna ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ginagamit ang hashtagna #GuroHindiMakina at #LaptopProtest, sinimulan ng grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang protesta sa paggamit ng kanilang laptop upang ihayag ang kanilang hinaing at sa sektor ng edukasyon,lalo na sa panahon ng pandemya sa bansa.

“Use your laptop and your creativity to get our message across!” pangungumbinsi ng ACT sa kanilang Facebook post.

"Design your e-placad and post your photo in FB wall from May 22 to June 19. Use the hashtags: #LaptopProtest #GuroHindiMakina. 20 best designs will be selected!” sabi pa ng grupo. Matatandaang sa kabila ng kanilang work-from-home set-up, idinagdag pa ng grupo na nais nilang marinig ng gobyerno ang kanilang karaingan.

‘Guilty na, pinagmulta pa?’ Cebu Gov. Gwen Garcia, ‘bingo’ sa Ombudsman!

Kasalukuyang ipinatutupad ng Department of Education (DepEd) ang blended learning system kung saan karamihan ng mga estudyante sa basic education  level ay nasa ilalim ng distance learning set-up

Merlina Malipot