Sinibak na sa puwesto ang isang pulis na nakapatay ng isang binatang nahahanay sa may "special needs" sa ikinasang anti-illegal gambling operation sa Valenzuela City, kamakailan.

Isinagawa ng Valenzuela Police ang pagsibak kay Police Senior Master Sergeant Christopher Salcedo, nakatalaga sa nasabing presinto, sa kanyang posisyon matapos pumasok sa imbestigasyon ng kaso ang National Bureau of Investigation (NBI).

Bukod kay Salcedo, sinibak din sa puwesto ang tatlong kasamahan na sina Cpl. Kenneth Pacheco, Cpl. Rodel Villar at, Cpl. Rex Paredes, pawang nakatalaga sa Station Intelligence Branch (SIB) ng Valenzuela Police.

Politics

FPRRD, 'di sana maaaresto ng ICC kung naging mabuti kay PBBM —Gadon

Ang tatlong pulis ay kasama ni Salcedo nang maganap ang insidente dahil nagsasagawa ang mga ito ng operasyon laban sa iligal na sabong nitong Linggo ng umaga.

Depensa ng pulis, tinangkang agawin ng biktima ang service firearm nito kaya niya ito pinaputukan.

Orly Barcala