Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis sa bansa ng dagdag-bawas sa presyo sa kanilang produktong petrolyo ngayong Martes, Mayo 25.

Sa anunsiyo ng Caltex, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ng Mayo 25, magtataas ito ng 25 sentimos sa presyo ng kada litro ng kanyang diesel at 15 sentimos sa presyo ng gasolina habang matatapyasan naman ng 15 sentimos ang presyo ng kerosene nito.

Hindi naman nagpahuli ang Pilipinas Shell na magpapatupad ng kaparehong dagdag-bawas sa presyo sa kanyang produktong petrolyo sa ganap na 6:00 ng umaga.

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

National

External debt service burden ng Pinas, pumalo sa $17.16B noong 2024

Bella Gamotea