Isang 18-anyos na binata na nahahanay sa mga may"special needs" ang napatay nang mabaril ng isang pulis-Valenzuela City sa isinagawang anti-illegal gambling operation sa lungsod, nitong Linggo ng hapon.
Ayon kay Valenzuela Mayor Rex Gatchalian, isinailalim na sa restrictive custody ang nasabing pulis na nakatalaga sa Valenzuela Police Station Intelligence Unit na hndimuna isinapubliko ang pagkakakilanlan habang iniimbestigahan pa ang kaso.
Sa paunang impormasyon mula sa Valenzuela-Public Information Office, ang insidente ay naganap sa Barangay Lingunan kung saan nagsagawa ng operasyon ang grupo ng nasabing suspek laban sa iligal na sabong (tupada).
Nag-agawan umano ng baril ang suspek at ang biktima hanggang sa pumutok ito na ikinamatay ng binata. Hindi pa malinaw kung sino sa dalawa ang nag-umpisa ng gulo.
Joseph Pedrajas