Mahigpit ang babala ni Manila Mayor Isko Moreno naipakukulongniya ang mga taong mahuhuling nagbebenta ng bakuna laban sa COVID-19 sa lungsod.

“Not on my watch,” deklarasyon pa ng alkalde, bilang pagtutol sa bentahan ng naturang bakuna ng mga pribadong organisasyon, indibidwal at kumpanya.

Kaugnay nito, sinabi ng alkalde na magpapadala ng vaccinating teams ang pamahalaang lokal ng libre dahil ito ay kanilang gawain bilang public servant.

“‘Any organization or kompanya, hindi ko papayagan to exploit the situation. Not on my watch. Hindi ko hahayaan na gahasain ninuman ang kahinaan ng taumbayan to access the vaccines. Kaya nga di kami nagpapahinga, nagkukumahog kami by reaching out to as many as possible,” aniya.

Eleksyon

Mayor Honey Lacuna, inisyuhan din ng show-cause order dahil sa umano’y vote-buying, ASR

Nanawagan rin naman ang alkalde sa lahat ng pribadong organisasyon, indibidwal at kumpanya na bumili ng vaccines at ibigay ito ng libre sa kanilang mga empleyado sa halip na pabayaran ito sa pamamagitan ng salary deduction scheme.

Mary Ann Santiago